Ecological conversion, inaasahang maging bunga ng COP26 summit

Napapanahon ang isinasagawang United Nations Climate Change Conference o COP26 Summit sa Glasgow, Scotland kasabay ng paggunita ng Pilipinas sa ikawalong anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa.

Ayon kay Living Laudato Si’ Philippines, Executive Director Rodne Galicha, ang naganap na pananalasa ng bagyong Yolanda sa bansa noong 2013 ay sanhi ng kapabayaan ng mga tao sa kalikasan kaya’t naging malawak ang pinsala nito hindi lamang sa kapaligiran, kundi lalo na sa buhay ng libo-libong tao.

Sinabi ni Galicha na mula nang maganap ito, mas lumalala pa ang mga sakunang nagaganap sa Pilipinas na patuloy namang nagpapahirap sa buhay ng mga tao.

“Eight years after the onslaught of Typhoon Haiyan (Super Typhoon Yolanda) in the Philippines, more than a thousand people are still missing. Year after year thenceforth, the intensity of extreme weather conditions is increasing.” pahayag ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, iginiit naman ni Galicha na ang COP26 Summit ay isang pagkakataon upang talakayin ang mga maaaring maging tugon ng iba’t ibang bansa para maiwasang mangyari muli ang katulad na sakunang naganap sa Pilipinas.

Binigyang-diin din nito na ang climate action na tinatalakay sa COP26 Summit ay naglalayong hikayatin ang bawat isa na kumilos tungo sa ecological conversion na kinakailangan ng mundo upang patuloy na mapangalagaan ang kalikasan para sa kapakanan ng lahat lalo na ng mga susunod pang henerasyon.

“COP26 is an opportunity to address losses and damages, both for humanity and ecosystems. Climate action is not only about common but differentiated responsibilities but a collective conscience and uncompromised moral imperative towards intergenerational justice, equity and common good,” saad ni Galicha.

Sa Laudato Si ni Pope Francis, iginiit nito na ang usapin sa klima ay hindi lamang isyu na dapat tugunan ng iilan, bagkus dapat itong harapin ng bawat tao, magkakaiba man ang relihiyon o katayuan sa buhay.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *