Hapag-Asa feeding program, palalawakin pa ng Simbahan

Umaabot na sa mahigit 26-libong mga malnourished children ang natulungan ng Hapag-Asa feeding program ng Diyosesis of Antipolo simula ng ilunsad ang inisyatibo 15-taon na ang nakakalipas.

Ito ay ayon kay Diocese of Antipolo Social Action Center Program coordinator Mona Valencia.

Iniulat din Valencia na umaabot naman aa 900 mga bata natulungan aa paglulunsad ng isa pang feeding program katuwang ang Caritas Damayan ng Caritas Manila ay umaabot narin sa 900 mga bata.

“Sa ngayon ongoing po yung Hapag-Asa integrated nutrition program natin, mayroon din tayong sa Caritas Damayan feeding program, yung sa Caritas Damayan Feeding program sa una yung Saint Lodovico Pavoni dito sa Sumulong Antipolo City, yung ating dalawa sa Binangonan yung Sacred Heart Parish, ang Saint Joseph Marello sa Antipolo, Mayroon tayong upcoming na tatlo yung sa Nuestra Señora De Los Angeles Fila-fila sa Antipolo, tapos mayroon tayong bago ito no- Our Lady of Lourdes Quasi Parish sa Baranggay Cupang Antipolo tapos yung isa sa San Francisco of Assisi Macamot Binangonan,”pahayag ni Valencia sa Radio Veritas.

Sa pagpapatuloy naman ng mga inisyatibo upang matulungan ang mga nangangailangan ay ilulunsad rin ng Social Action Center ng Diyosesis ng Antipolo ang “Project Sunshine” na layunin namang makapag-hatid ng enerhiya sa mga bahagi ng Lalawigan ng Rizal na hanggang sa ngayon ay wala paring suplay ng kuryente.

Sa Project Sunshine ay gagamitin ang mga Solar Panels na kilala bilang malinis na mapagkukuhaan ng enerhiya upang makapag-suplay ng kuryente.

“Itutuloy ulit namin yung Solar Panel, yung Project Sunshine na installation ng solar panels sa mga lugar na walang kuryente, ito- ongoing na to, bago lang to actually wala naman kaming tina-target depende sa mga parokya na magrerequest yung mga social service coordinators na nagre-request sa amin pag may nag-request yun ang aming pinupuntahan, so open ito- kahit sino pwede basta sa Diocese ng Antipolo,” ayon pa kay Valencia.

Sa mga nais namang magpaabot ng tulong ay maaring makipag-ugnayan sa Official Facebook page ng Social Action Center of Antipolo at kay Antipolo SAC Director Father Bien Miguel.

Ayon sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF, ngayong 2021 ay mayroon 45-milyong mga bata ang nakakaranas ng labis na epekto ng malnutrisyon sa buong mundo.

kasama din sa bilang ang may 149-milyong mga batang nakakaranas ng pagkaantala sa kanilang paglaki ng dahil sa kakulangan ng pagkain.

Kaugnay nito, sa November 14 ay nakatakdang gunitain ng Simbahan sa buong mundo ang World Day of the Poor na inisyatibo ng Kaniyang Kabanalang Francisco upang alalahanin ang mga mga pinakamahihirap na nakakaranas rin ng pagkagutom sa buong mundo.

Sa Pilipinas ay nakatakdang ring gunitain ang ika-limang World day of the poor kung saan sa November 15 ay magdaraos ng Banal na Misa ang Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral bilang pag-gunita sa inisyatibo ng Santo papa

Inihayag naman ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Fr.Anton CT Pascual ang pamamahagi ng pagkain, pang-puhunan at mga Gift Certificate sa mga labis na nangangailangan.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *